Wednesday, September 10, 2014

Wika ng Pagkakaisa (FILIPINO MONTH CELEBRATION)

“Tulay o Pader?”

                Alam nating lahat na ang WIKA ay ang tulay para sa pagkakaintindihan at pagkakaisa. Ngunit, sa dinami-rami ng ating wika, nakakamit parin ba natin ang inaasam na pakakaisa? Lalo na’t mas pinapahalagahan ng iba ang mga salitang banyaga. Paano nagiging TULAY at PADER ang wika?
        Filipino, Iloco, at Bisaya ay ilan lamang sa marami nating mga wika. Mga wikang pang araw-araw nating ginagamit upang tayo’y magkainitindihan,. Ng ideklara ang “TAGALOG” bilang pambansang wika, ang mga Cebuano ay hindi sumang-ayon dito. Kaya papaanong naging tulay ang wika kung ito mismo ang dahilan ng pagkakaroon ng pader sa ating mga Pilipino. Ngunit imbes na tayo’y magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng ating mga wika, bakit hindi nalang natin tanggapin at pag-aralan an gating pambansang wika para tayo’y  magkaroon ng pagkakaisa. 

        Bawat bansa , bawat lahi wika na siyang tulay tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa. Kaya IKAW, tayong KABATAAN! gamitin natin an gating sariling wika para maging tulay tungo sa PAGKAKAISA.

No comments:

Post a Comment